Sunday, April 08, 2007
Outing, sasama o hindi?
.
Ang dating IV - Faraday ay magkakaroon ng outing sa Calamba, Laguna sa darating na Abril 10, 2007 hanggang Abril 11, 2007. Pinag-iisipan ko kung sasama ba ako sa kanila o hindi. Nagdadalawang isip ako. Parang nahahati sa dalawa ang aking sarili, ang isa ay gustong sumama dahil sa kasiyahan at mga kaibigan, at ang isa naman ay ayaw sumama dahil sa gustong makalimot.
.
Err.. amp.. bakit ba ako nagkakaganito? bangag na yata ako.. hehe.. ano ba ang magandang desisyon? Sa tingin ko dapat akong sumama.. masaya rin siguro ako dun.. alam ko na.. sa mga oras na un, magpapatulong na ako sa paggawa ng pangatlong kanta.. ito ay ang "I Can't Forget" sa tingin ko naman, magagawa namin un sa loob ng anim na oras.. tama.. sasama na lang ako.. err..
(3:04 PM)