Tuesday, June 27, 2006
Torpe? o Takot?
.
Hindi ko malaman sa sarili ko kung torpe ako o takot kay alam na! Sa tuwing makikita ko siyang dumadaan sa harap ko, wala man lang akong magawa. kahit na tinutulungan na ako ng iba, hindi ko pa rin makausap sa personal.
.
Torpe ba ako sa dahil hindi ko kayang kausapin o takot dahil sa baka tumaas ang kanyang isang kilay.
.
Minsan ay binalak kong lapitan at kausapin. Sinabi ko pa kay Bryan na kakausapin ko siya. Ngunit noong makita kong may sinusulat siya, bigla akong umatras, baka kasi magalit kapag inistorbo ko. GC kasi eh. Bigla akong kinabahan noong araw na iyon. Hindi ko na tuloy siya nakausap. Kaysa sa nasabi ko ang gusto kong sabihin, tiningnan ko na lang sa kanyang mga mata. Aw! Hoof Stomp! Bigla na lamang ako hindi nakagalaw.
.
May mga nagsasabi na isa akong torpe, ang iba naman ay sinasabihan akong takot sa kanya. Ano ba talaga? TORPE? o TAKOT? Aw!
(10:10 PM)