Saturday, June 17, 2006
Dream Team ang FARADAY
Magmula nang magsimula ang klase nagyong taon, nalaman ko na ang section na napasukan ko ay masaya. Marami ditong marunong magDOTA, magaling magbasketball, maiingay, at magaganda.
....
Dito, nalaman kong dalawa ang maaaring mabuong DOTA team, na maaaring pamunuan ni Jermaine Luis Agnasin. Sasanayin kami ni Jelo na maglaro ng DOTA bilang isang Grupo. Tinuturan niya ang bawat isa ng mga istratehiya para gumaling maglaro. Kung pagmamasdan ang Faraday, makikita kaming laging nag-uusap tungkol sa DOTA. Nagkukwentuhan tungkol sa kung ano nangyari habang kami ay naglalaro. Noong nakita kong maglaro si Jelo, namangha ako dahil sa kagalingan niya. Gusto ko siyang talunin ngunit malabo yatang mangyari iyon. Isa pa, lahat ay magaling maglaro at may mga taktika. Sa mga laban, namumuno lagi si Jelo. Nang maging kakampi ko siya, natuto akong makipagsapalaran sa grupo. Magaling siyang mag-utos sa laban kaya madalas na nananalo ang team na hinahawakan niya. Idolo ko si Jelo, sana matapatan ko rin siya balang araw.
....
Noong nakaraang Biyernes naman, naglaro kami ng basketball kasama ang mga magagaling sa ibang section. Lima kaming Faraday na sumali: ako, Bryan, Jarold, Takyo, at Marv-vic. Ang mga nakasama ko ay magagaling maglaro, hindi tulad ko. Idolo ko si Jarold dahil sa kanyang angking galing. Magaling na siyang magdala ng bola, magaling pang tumira, palaging pasok. Si Takyo rin ay magaling maglaro. Tumayo siya bilang sentro ng team. Malakas siya sa rebound, mahirap sabayan ang mga galaw niya. Si Bryan din ay magaling maglaro, kahit small pero terrible. Magaling mang-agaw ng bola at magdala. Ganun din si Marv-vic. Magaling siyang magdala ng bola, tumayo siya bilang guard ng team. Ang mga tira niya ay halos laging pasok. Ang masasabi ko lang sa sarili ko, hindi magaling, marunong lang. Matagal na akong hindi naglalaro, ngunit kaunting panahon lamang, masasabayan ko na rin ang apat na yan. Magsasanay akong muli.
....
Marami ring maingay sa amin, kaya laging masaya. Halos lahat sa amin ay komedyante. Ang bawat salita ay nakakatawa. Si Jep pa lang, matatawa na lahat. Isama pa ang pangalan ni Allister. Basta sabihin na "Si Allister po," tatawa na lahat. Madadagdagan pa ng ingay ang Faraday dahil sa mga nag-uusap tungkol sa DOTA. Isama pa ang usapan ng mga babae. Lalo pang magiging masaya at maingay siguro kung lahat kami ay magiging malapit sa isa't isa.
....
Lalo pang naging masaya dahil sa madami ang magaganda sa Faraday. Ayoko na ilagay pa ang pangalan nila. Ngunit magsisilbi silang inspirasyon sa mga lalake. Peace tayo. Nagsasabi lamang ako ng reaksyon ko sa post na ito.
(10:53 PM)