moonlit

Name: Patrick
Age: 18
School: PLM
Hobbies: Internet
Interests: Friends
About me: See posts


whisper a wish





hijack a shooting star

masci forum
camille
nephele
liezl
carlo
anna
nika
edknell
katz
ryle
louis
ph
jelo
enri
rhoiz
cean
minnelle
thea
goldi
Jen

never never land

April 2006
May 2006
June 2006
July 2006
September 2006
October 2006
November 2006
January 2007
March 2007
April 2007
June 2009

credits

designer Dancing Sheep
resources   1   2   3
Thursday, April 06, 2006

Buhay BURBANK!!!
Mula nang mapunta ako sa ikatlong taon pangkat Burbank, naging makabuluhan ang aking buhay. Hindi tulad noong ako ay nasa ikalawang taon. Dati ay sinasabi kong isa akong walang halaga dito sa mundo dahil sa lagi na lang akong palpak. Bawat hakbang ko noon ay mayroong pagkakamali. Hindi ko man lang maituwid ang mga pagkakamaling iyon. Sinasabi kong wala nang pag-asa pang makaabot sa susunod na laban. Ngunit nagpapasalamat ako dahil nabigyan pa ako ng isa pang pagkakataon para maituwid ang mga maling nagawa ko.
Sa pagkakataong ito, dito ko nalaman na marami pa akong pag-asa. Hindi ko lang nakita noon. Nabigyan ako ng lakas nang makilala ko ang aking mga tunay na kaibigan. Sila ang nagmulat sa aking mga mata para harapin ang katotohanang noon ay bulag ako. Ngayon ko napatunayan na ako ay hindi mahina. Nalaman kong kaya ko rin ang ginagawa ng iba. Nagawa kong makaabot sa kalagayan ko ngayon.
Noong magsimula ang school year noong June 6, 2005, nakilala ko ang mga bagong classmates ko. Nakakatamad itala kung sino sila lahat. Marami kasi. Nakilala ko ang babaeng nagustuhan ko, at naging inspirasyon para sa buong taon. Inisip ko na subukan siya ngunit hindi ko na itinuloy, dahil naisip kong baka mabigo ako. Hinangad ko na lang friendship. Maayos naman ang kinalabasan. Kaya nakapag patuloy ako sa aking pag-aaral. Ngunit may destruction din ang love. Oo nga pala, love serves as an inspiration but also serves as a destruction. Ganoon nga, humina rin ako sa aking pag-aaral, dahil nga sa siya ang laman ng isip ko. Sinubukan ko siyang ligawan, ngunit wala ring nangyari. Kaya ako ay nalungkot. Dati ay palagi akong nakasuot ng pulang damit, ngunit nagsimula akong magsuot na palagi ng itim.
Nang magpatuloy ang taon, natuto akong makinig ng ROCK MUSIC. Nagkaroon ako ng knowledge about rock. Naging rakista ako. Yeah!!! I love rock!!! Bumili ako ng mga damit ng rakista. Ngunit sinasabihan ako ng iba ng POSERO!!! waah!!! Hindi naman ako posero eh. Pinatunayan ko sa kanila na kaya kong maging isang tunay na rakista. Nag-aral akong maggitara. Marami na rin akong natutunang tugtugin.
Medyo lumakas naman ako sa aking pag-aaral sa school. Naipapasa ko ang aking mga subjects. Haay!!! Ngayon, natapos rin ang school year… yeah!!! 4th year na!!!

(3:18 PM)